Meme in the making! Angelica Panganiban, nagbalat ng patatas sa AngBeki vid

Lakas maka-good vibes ng “Of Course” video ng AngBeKi.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kapag nagsama-sama talaga ang magbe-beshies na sina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu, tiyak na nagdudulot ng good vibes sa netizens ang kanilang paandar.

Sa pinaka-latest na video ng AngBeKi, sumakay ang magkakaibigan sa “Of Course” challenge kung saan ipinakita nila ang karaniwang ginagawa nila sa buhay.

Kung si Bela ay nakakantiytawan bilang workaholic at si Kim ay mabungisngis, lalong natawa ang mga netizens kay Angelica na nagpakitang gilas sa pagbabalat ng patatas.

Matatandaang si Angge ang gumanap na Becky sa classic film na “Sarah, ang Munting Prinsesa” at ang kanyang karaniwang eksena sa kusina ay magbalat ng patatas.

“ung tawa nyo talaga matatawa din kami sa tawa nyo AngBeKi wishing nyo na may movie kau”

“Ang saya … that’s the kind of friends you want to be around.. you can be your silly self.”

“I love watching you 3. Such a nice friendship you have.”

“the laughter is contagious”