Nag-level up na ang mga reviews at reactions ni viral vlogger Mr. Nobodydudy na ngayon ay tumawid na sa mga Indian films.
Matapos maging viral sa kanyang pagme-mekus mekus at tornedo sa kanyang Indian food reactions, pinili naman niya ngayong pagkatuwaan ang mga kakaiba at halos imposibleng action scenes sa mga Indian movies.
Tulad ng kanyang mga dating reviews, bakas na bakas pa rin kay Mr. Nobodydudy ang pagkagulat tuwing maitatawid ng kanyang “tito” ang isang imposibleng stunt gamit lamang ang isang lumang bisikleta.
Hindi lamang yun, imbes na baril ang gamitin para magapi ang bida, e bonggang palakol naman ang ginagamit ng mga kontrabida para mapuksa siya.
React naman ng kanyang mga faney:
“sobra na Tito mo insan!! San nakakabili Ng bike na yan.. pang tornado!
”
“Namekus mekus na tawa ko heh”
“Yan na ang tunay na Tornado lumipad na haha”
“sakit tyan ko kakatawa sayo insan”
“Subra galing na Tito mo insan mekus mekus na”