Tuwang-tuwa ang ilang mga rescue dogs na nasa pangangalaga ng Pawssion Project, isang NGO na nakatuon sa kapakanan ng mga hayop, dahil isang burger treat ang kanilang na-enjoy mula sa nag-iisang Megastar Sharon Cuneta nang binisita sila nito kamakailan.
Sa isang Instagram post na shinare ni Megastar, pinakita niya ang isang litrato niya na napapaligiran ng mga aso habang inoorder ang kanilang pagkain.
“They had burgers for the first time in their lives and it was so awesome even for us hooman-parents,” kwento ni Ate Shawie. Kasama niya ang kanyang mga alagang asong sina Bella, Pixie, Pawi at Daisy.
Dahil sobrang natuwa ang mga fur babies ng Pawssion Project, isang aso na nagngangalang Scout ang gusto nang sumama pauwi kasama ang aktres at mga furbabies nito.
“When I was leaving with Bella, Pixie and Pawi on their leashes and Daisy in her Kuya Joe’s arms, Scout was the only one who ran out to ‘join’ us! He thought he was going home na with us.😢💖💖💖,” dagdag ni Sharon sa isa pang Instagram post.
At dahil naantig naman ang puso ng Megastar kay Scout, tuluyan na niya itong inampon. Kinumpirma naman ng Pawssion Project na may furever home na ang kanilang alaga at isang ganap na “Mega Dog” na si Scout.