Kahit saan talaga mapunta ang Pinoy, pambato pa rin ang mga lutong galing Pilipinas.
Isang ginang na nakapangasawa ng Amerikano ang nagbahagi ng unang pankakataon na tinuruan nya ang kanyang kambal na anak na mamitas ng dahon ng malunggay at magluto ng tinola.
Ang malunggay ay itinanim nya sa kanilang bakuran at siyempre, nang namunga ito, perfect itong pangsahog sa mainit na sabaw.
Sa kaniyang vlog na Riegel Twins sa Facebook, ibinahagi ng ginang kung paanong nag enjoy ang kanyang mga anak sa pamimitas ng malunggay. Tumulong din ang kambal sa pagtatanggal ng dahon mula sa tangkay kaya’t proud na proud ang mga ito sa kanilang nagawa.
Tuwang tuwa ang ginang dahil mahirap makahanap ng malunggay sa Amerika kaya’t napagpasiyahan niya na magtanim na lang nito. Patok naman sa mga bata ang tinola na may kasamang kanin. Syempre, Pinoy e.
Bentang benta din ang tinola sa kanyang asawa na agad humigop ng sabaw at kumain matapos ang isang nakakapagod na araw sa trabaho.
Ang malunggay ay isa sa mga masusutansyang gulay na matatagpuan sa Pilipinas. Maaari itong isahog sa maraming putahe kaya’t maraming Pilipino ang nagtatanim nito sa kanilang mga bakuran. Pwede din pala sa US!