McDo Philippines, nagbigay-pugay sa mga empleyado sa pamamagitan ng programang ‘Salamuch, Crew!’

McDonald’s Philippines, idinaos ang kauna-unahang “National Salamuch, Crew! Day” upang ipagdiwang ang pagsisikap at kontribusyon ng mga empleyado sa pag-unlad ng kumpanya.

Masarap sa pakiramdam na mapasalamatan, lalo na sa trabaho. Kaya naman, ang McDonald’s Philippines ay nagbigay ng “reward” sa kanilang mga hardworking na empleyado sa pamamagitan ng isang pasabog na programang tinatawag na “Salamuch, Crew!”

“[This] is McDonald’s way of saying thank you together with our customers, to our close to 60,000 crew who serve our customers every day and allow us to continue growing in the country,” ani Adi Hernandez, Assistant Vice President for Corporate Relations & Impact ng McDonald’s Philippines.

“Nakakatuwa po na mabasa ‘yung mga results or ‘yung mga thank-you messages that we found across the different touchpoints from the walls to the boxes to the online Padlet,” dagdag pa ni Hernandez.

Tinutukoy ni Hernandez ang 10 IG-worthy walls sa mga select Metro Manila stores, at Virtual Padlet wall na inilunsad ng kumpanya para sa online thank you notes para sa McDo staff.

Nagsimula ang programang “Salamuch, Crew!” noong Nobyembre ng nakaraang taon at nagtapos sa kauna-unahang “National Salamuch, Crew! Day” nitong Abril 17.

Dito, naghatid ng treats, libreng pagkain, premyo, at iba pang kasiyahan ang kumpanya sa pamamagitan ng mini-parties sa iba’t ibang branch bilang pasasalamat sa pagsisikap ng kanilang mga empleyado.