I-manifest mo na ‘yan! Mapapasaiyo ang mamahaling sasakyan!
Pangarap mo bang magkaroon ng brand new Mitsubishi Xpander Cross 2023?
Inanunsyo ng vlogger at businesswoman na si Viy Cortez na ito ang isa sa kanilang ipamimigay sa Team Payaman Fair Holiday Paawer Up na gaganapin sa December 27-30, 2023 sa SMX Convention Center Manila Halls 1-4 sa Pasay City.
“Pupunta ka lang ng event may chance ka na maguwi ng Apple products, motor, appliances at brand new car!” sabi ni Viy sa kanyang Facebook page. Si Viy ay ang fiancรฉe ni Lincoln “Cong TV” Velasquez at sila ay may isang anak na si Kidlat.
Sinimulan ni Cong TV ang Team Payaman noong 2015 kasama ang mga independent vloggers at influencers. Ang kauna-unahang Team Payaman Fair ay naganap noong March 8-12, 2023.
Inaasahan na present sa inaabangang event ang ibang mga celebrities, vloggers, at influencers. Sa mga gustong dumalo, sabi ni Viy, mabibili ang ticket online sa teampayamanfair.com
“Pwede din po kayo makabili sa mismong event
,” dagdag pa niya.
Maraming netizens naman ang gustong makuha ang mga papremyo lalo na ang sasakyan.
Pahayag ng isa: โManifesting 


sana manalo ako sa raffle



.โ
Sabi naman ng isa, โKukuha naku license ngaun pa lang
manifesting

.โ