Relate na relate ang mga manggagawang Pinoy sa post ng content creator na si Davao Conyo tungkol sa mga “clue” na ang mga empleyado ay umabot na sa “petsa de peligro” laban sa oras na sila ay bagong swedo.
Kabilang sa mga clues ng walang pera, syempre ay ang mga eksenang hulas na at halos hindi na nagsusuklay sa pagka-haggard matapos makibaka sa masikip na bus at jeep, at laging beast mode at aburido sa bahay.
Pag may laman naman ang wallet, pwede pang mag-Grab para hindi ma-late at may time pa para makabili ng aesthetic na kape sa kanto bago mag-work.
At dahil nga “petsa de peligro,” marami talaga ang nag-agree sa mga pagbabagong nagaganap pag-a kinse at katapusan na.
“Hahahahhaa. Lapit na. 3days nalang!! Tapos survival mode na naman uli. Pambayad lang sa bills at utang eh.”
“Naka depende ang mood sa laman ng bulsa bhe”
“ feel attack nagiiba talaga ugali pag walang pera”