May spaghetti pa rin bang natira? Remedyo ni mama, nagpa LOL sa netizens

Bawal magsayang ng pagkain kaya’t gagawin ng mga nanay ang lahat maubos lang ang mga tirang spaghetti sa ref.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Lahat na siguro ng mga Pilipinong naghanda noong Pasko at Bagong Taon ay makakarelate sa post ng isang netizen kung saan binalutan na ng kanyang nanay ng lumpia wrapper ang tirang spaghetti, maubos lamang ito ng kanyang pamilya.


Marami namang netizen ang nag-agree kay mama, kaysa nga naman masayang at masira ang spaghetti na pinaghirapang lutuin. Mahal pa naman ang bilihin ngayon!

“Nice idea. Matry nga din..”

“Wow sarap siguro yan”

“Masarap yan meron suka sawsawan”

“Yess pedeng pede yan gagawa nga Ako nyan bukas eh”

“Panalo talaga ang Pinoy pagdating sa pagka maparaaan. LOL”