Natawa ang mga netizens sa isang excuse letter na nag-viral ngayon sa internet dahil sa paraan ng pagpapaalam ng estudyante sa kanyang guro na siya ay sinisipon.
Paano ba naman kasi, imbes na lakipan ng medical certificate or ipagawa ang sulat sa kanyang magulang, nagkusa na lang ang bagets na magpaliwanag sa kanyang teacher sa pamamagitan pagdo-drawing kung anong klaseng sipon ang meron siya.
Aniya sa kanyang excuse letter, imbes na runny nose ay mayroon siyang “raining” nose at iginuhit kung paano umagos ang kanyang uhog sa kanyang ilong.
Ayon naman ng mga netizens, sapat na ang ebidensiya ni bagets para mabigyan siya ng excuse ng kanyang maestra.
“ang tawa ko sa excuse letter na to may drowing pa talaga”
“I hope your kind consideration malooy ka ma’am”
“Bat kailangang pang idrawing”
“pwede ba to sa trabaho”