May QR code na ba lahat? Pamamalengke at pagbabayad sa traysikel, cashless na sa Ilocos Sur!

Hassle-free na ang pamimili at pagko-commute sa Ilocos Sur dahil inilunsad na kamakailan ang Paleng-QR PH Program Plus ng Bankgo Sentral ng Pilipinas at Department of Interior and Local Government.

Mas mapapabilis na ang mga transaksyon sa palengke at pagbabayad ng pamasahe sa Ilocos Sur dahil sa Paleng-QR PH Program Plus na inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Interior and Local Government.

“Una, safety, cashless payments are sanitary, reducing health risks for all of us. Pangalawa, convenience, effortless and transactions dahil makakapagbayad ka na ng eksaktong halaga sa pamamagitan lang ng pag scan ng QR code. Pangatlo, security sa pekeng pera,“ ani Bernadette Romulo-Puyat, Deputy Governor ng Regional Operations and Advocacy Sector sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Gamit ang single national QR code, mas mapapadali ang digital payments ng mga mamimili at commuters, hindi lang sa mga traysikel o mga bilihan sa palengke, maging sa mga iba’t ibang bangko o digital wallet providers, ayon sa ulat ng GMA Regional Network News.

“[Maganda kasi] minsan kasi walang barya [yung pasahero] sa pamasahe nila. [Kung sa palengke], mahirap dyan kasi nagtatawaran pa sa palengke,” ang pagsang-ayon naman ni Noel Fontejon, isang trisikel driver.

“In this rapidly evolving world it is imperative to embrace innovation to drive progress and prosperity,” ayon naman kay Ryan Singson, Ilocos Sur Vice Governor.