Babae, napatingin sa napadaang lalaki habang nag-vi-video ng "Maui Wowie" TikTok challenge, viral video screenshot

May pogi! ‘Maui Wowie’ entry ng isang dalaga na naputol dahil sa biglaang distraction, todo-relate ang netizens

Viral ang 'Maui Wowie' TikTok entry ni Mieghhh! Biglang na-distract dahil sa napadaan na pogi—alamin kung bakit todo-relate ang netizens.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Daig ng pogi ang kahit ano pang trend sa TikTok, at pinatunayan ito kamakailan ng isang video tampok ang dalagang kumakasa sa “Maui Wowie” trend.

Sa clip na ibinahagi ni Mieghhh (@carmaisagod ), makikitang kinakanta niya at ng kaibigan ang chorus ng viral na kanta ni Kid Cudi nang biglang may nahagip ang kanilang video na pogi.

Napatingin ang babaeng nakasalamin at napasabi na lang ng “May pogi” bago matapos kantahin ang chorus ng “Maui Wowie.”

@carmaisagod this is ai #updiliman #fypシ #foryou #mauiwowie #familyislove ♬ original sound – Mieghhh 🍓

Todo-relate naman ang marami sa comment section:

“ang bilis madistract 👀😂”

“distraction talaga ang mga pogi e”

“sinundan pa talaga ng mata HAHSHAHHA”

“same atehhh”

“gets ko kayo mga nak”