May pinagmanahan! Alagang pusa ni SB19 Stell, nakipag-duet sa kanyang amo sa kantang ‘Golden Hour’

Nagmistulang “Golden Meow” ang kantang “Golden Hour” nang mag duet si Stell at ang kanyang alagang si Naya para dito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang powerful na pagbirit si SB19 Stell Ajero ng “All By Myself” sa concert ni David Foster sa Pilipinas, pag-uusapan din ang kanyang alagang pusa na si Naya dahil sa likas nitong galing sa pagkanta tulad ng kanyang amo.

Sa isang video clip, ipinakita ni Stell kung paano sila mag-duet ng kanyang alaga sa kantang “Golden Hour” ng SB19.

Sinimulan ni Stell ng isang bahagi ng kanta at ipinaubaya kay Naya ang isang part. Kapansin-pansin ngang mahaba ang naging ngiyaw ng pusa na parang alam nito kung paano mag-sustain ng note.

(SB19: Kings of P-Pop/FB)

Nabilib naman ang mga netizens sa alagang pusa ni Stell:

“Hahaha….ang galing ng pusa ni Stell sa Golden hour”

“golden meow po yan naiba na so proud naman ng naya sa dada”

“I believe she does sing, Ang galing”

“Naya part mo yan”