Mapapa-“sana all” na lang ang mga Pinoy na makakapanood sa isang video kung saan nagsipaglabasan sa kalsada ang mga residente sa Macau para manghuli ng isda sa baha.
Makikita sa video na kanya kanyang dampot ng malalaking isda ang mga residente nang umapaw ang mga baha sa kanilang kalsada kasabay ng pananalanta ng Typhoon Ragasa.
Dahil malinis at klaro ang tubig baha, naging madali ang paghuli sa mga isda at kampante ang mga residente na gawin itong ulam.
Ang ibang Pinoy sa comments section, nainggit na lang:
“Now that’s making the best out of a bad situation!”
“Blessing in disguise”
“When life hits you w a Typhoon, make fish soup! 🍜”