May pang isaw na tayo? Kathryn Bernardo at Loisa Andalio tuwang-tuwa sa limang pisong premyo sa ‘Money or Mystery’ challenge

Mababaw lang ang kaligyahan nina Kathryn Bernardo at Loisa Andalio kaya't sobrang relate sa kanila ang kanilang mga fans.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nakakatuwang makita ang mga bigating artista na natutuwa sa mga simpleng bagay at lalong aliw ang mga fans sa pagiging jologs ng kanilang mga idol paminsan-minsan.

Sa “Money or Mystery” challenge sa ginanap na Christmas special ng ABS-CBN ay ganito nga ang naging eksena ni “A Very Good Girl” star Kathryn Bernardo at Loisa Andalio, bida naman ng “Pira Pirasong Pangarap.”

Matapos pabunutin ng kanilang prize ay tuwang-tuwa ang dalawang Kapamilya actresses nang makakuha ng tig-limang piso sa angpao dahil meron na daw silang pambili ng isaw.

Nakakuha pa sila ng bonus nang muling pabunutin at makakuha ng Choc Nut at Jellyace. Ani Kath, ibibigay daw niya sa kanyang kaibigang si Sofia Andres ang kanya dahil paborito daw niya ito. Ang sweet naman!