May paapak pa ng clutch, viral singer na ka-sound alike ni Erik Santos, winner ang performance sa isang resto

Puno ng emosyon ang naging performance ng isang singer sa isang restaurant dahil buong katawan nito ang ginamit sa pag-perform ng kanta ni Erik Santos.

Inakala ng maraming customer na nag li-lip-synch lang ang isang lalaki nang umakyat ito sa entablado para kumanta pero talagang siya pala at hindi si Erik Santos ang kumakanta ng hit song na “Di Ko Kakayanin.”

Paano ba naman, hawig na hawig talaga ang boses ng dalawang singer lalong-lalo na sa parteng birit ng kanta. Pero ang mas nagpabilib sa mga tao ay ang kakaibang paraan ng pagkanta ng mystery singer dahil sa sobrang emosyon nito ay mistulang itong umaapak sa clutch ng motorsiklo dahil sa pagpadyak nito para sa buwelo.

Marami ang napahanga sa singer at nanghinayang na hindi nakuha ng OP na si Roro Villasoto ang pangalan ng viral performer.

“Galing bravo….galing talga…pati katawan kumakanta”

“Galing nman, my paapak apak pa ng cluth”

“Nakakamangha”

“Tumakbo na ang motor.. inapakan ang shifter tapos nagbrake na..”

“Tindeee”