May natamaan kaya? Golf club na lumipad imbes na bola, viral sa TikTok

Felt ang kahihiyan ng isang lalaki sa TikTok dahil sa halip na tamaan niya ang bola ng golf ay lumipad ang kanyang golf club at muntik pang makatama ng tao.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Imbes na tamaan ang bola, muntik nang kapwa manlalaro ang tamaan ng isang lalaki habang nag-gogolf ito, ayon sa isang TikTok video.

Makikita sa viral clip na inupload ni @jmsldrn, nakapwesto na siya para sa kanyang swing, ngunit sa halip na bola ang lumipad, ang kanyang golf club mismo ang kumawala sa kanyang kamay.

Dahil sa hiya, napaupo na lamang ang lalaki habang maririnig ang uploader na tawang-tawa sa nangyari.

@jmsldrn Replying to @spongesaw #golftok #golftrend ♬ original sound – Jms

Habang marami ang natuwa sa nakakatawang eksena, may ilan ding netizens ang nag-alala kung may natamaan ng lumipad na golf club:

“I wonder kung sino yung natamaan sa kabila 😭”

“na tamaan ba si kuya 😅?”

“golf yn kua, ung bola ang pinalilipad, hindi ung pamalo.🤣”

“Ya, bola yung tatamaan hindi tao..Baka mali rules mo jan🤣”

“napaupo na lang talaga sya sa sobrang kahihiyan😂🤣🤣”