May nanalo na! Tyra Banks, nag comment sa posts ni Chelsea Manalo para sa Miss U

Nagbigay ang “America’s Next Top Model” host ng kanyang mensahe ng suporta kay Chelsea Manalo, ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe.

Kahit hindi pa nakukuha ang korona ay winner na ang feeling ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe competition na si Chelsea Manalo dahil isa niyang fan ang supermodel na si Tyra Banks.

Sa mga posts ni Chelsea ng kanyang headshots para sa kumpetisyon, nag-iwan ng mga comments ang “America’s Next Top Model” host, judge at producer na si Tyra kung saan nagbigay ito ng suporta sa ating pambato.

“Work,” sabi ni Tyra sa isang post.

“Get it girl,” sabi naman niya sa isa pang larawan.

Bilib din naman ang fans ni Chelsea sa kanyang ganda at postura na lalong bumubuhay sa kanilang pag- asang masungkit niya ang ikalimang titulo para sa Pilipinas.

“OMG ETO NA NGA🔥”

“Face card is not declining 😍🔥”

“With you all the way @‌manalochelsea ❤️❤️”