May nanalo na! Supportive dad, nagdamit babae at sumayaw sa stage kasama ang anak

Pinatunayan ng isang ama na lahat ay gagawin masuportahan lang ang kanyang anak.

Hindi pa man sumasapit ang Father’s Day ay may nanalo na. Hinangaan ng mga netizens ang isang ama na sumabay sa pagsayaw sa kanyang anak sa stage pero hindi lamang yun. Kinarir din ng tatay ang pagsusuot ng damit pambabae para matchy-matchy sila ng kanyang dalagita.

Sa video na inupload ni Jhexica Liban, kitang-kita ang mag ama na enjoy na enjoy sa paghataw sa stage na hindi alintana kung nakakatawa ba ang itsura ng lalaki. Supportive din ang crowd na panay ang cheer sa performance.

“A great father who will do absolutely anything to support his daughter. Respect.” “That’s the first time I saw a Filipino father willing to do such thing for supporting and giving an effort to his daughter… Salute” “Best father…the luckiest daughter..”