Dahil usong-uso ngayon ang paglalagay ng clip na bibe sa uso, mukhang pati ang mga muning ay gusto na ding makiuso.
Isang miyembro nga ng Facebook group na Mga Pusa Sa Daan ang nag post ng kanyang entry kung saan may isang totoong sisiw na nakapatong sa ulo ng isang kulay orange na pusa.
Mukhang tuwang-tuwa ang sisiw sa ulunan ng pusa habang chill na chill lang ito na mayroon siyang pasahero sa kanyang ulunan.
Laugh trip ang comments section at marami ring nagdududa kay muning kung wala ba itong masamang balak sa sisiw:
“ibang bibe po yata nabili niyo”
“ming, magtira ka naman ng eabab”
“goth chic”
“Live na sisiw mamaya dead na yan”
“baka mamaya nasa bibig na ming ha?”