Kung sa pabonggahan ng Christmas tree, tila ang Palo, Leyte ang winner sa puso ng mga netizens dahil ito ay gawa sa kawayan na may kahanga-hangang disenyo na nagpapatunay sa pagiging malikhain ng mga Pilipino.
Agaw-eksena ang unique Christmas tree na ito hindi dahil sa ginamitan ito ng mga mamahaling mga dekorasyon o kumikinang na mga burloloy, ngunit idinaan ang mga kawayan sa ayos at pagsama-sama ng para buuin ang isang simple pero napaka-elegentang Christmas tree.
Napa-wow ang mga netizens nang maging viral ang mga litrato at videos kuha ang bamboo Christmas tree na opisyal na pinailawan noong Disyembre 15 ng lokal na pamahalaan ng Palo.
Tinawag ito ng mga netizens na “Best Christmas Tree of the Year” dahil sa pagiging maparaan ng lokal na pamahalaan na makagawa ng isang obra mula sa simple at mumurahing materyales, bukod sa naipakita ng mga Pinoy ang kanilang creativity.
“Iba talaga pag Pinoy creativity – Christmas tree na eco-friendly at budget-friendly! Bamboo na, bongga pa! Palo, Leyte lang ang peg, pero ‘yung glow? Parang sa North Pole! Saan ka pa?!”
“This bamboo Christmas tree in Palo, Leyte is simply out of this world and different from all the concept of Western Christmas trees. It’s worth all the praises.”
“Wow talaga! Elegant and Classy, and promoting town products… Not to mention made from organic material….Very well done, Palo Leyte!”
“Classy doesn’t have to be worth 1.5M…..hahahahaha”