May nagpapaiyak! Patok sa mga netizens ngayon ang isang proud lolo moment sa TikTok

Small wins matter para sa isang lolo sa TikTok na hindi nagpahuling ipakita sa apo kung gaano siya ka-proud sa nakuha nitong marka.

Isa na namang heartwarming moment ang nagte-trending sa TikTok ngayon kung saan nakunan sa video ang proud moment ng isang lolo para sa kanyang apo.

Sa upload ni Samantha (@samantha.amor4), makikitang inabot niya ang isang papel na tila report card. Napangiti ang kanyang lolo at sinabing “Ang galing mo pala” na may kasama pang thumbs up. Payo ni lolo ay pag-igihan niya pa ang kaniyang pag-aaral.

@samantha.amor4 #4u ♬ Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko Clyde Pianist – CLYDE 🎹

Naalala ng mga netizens ang bonding moments nila kasama ang kanilang mga lola’t lolo.

“sarap n’yan sa feeling teh, tapos bibigyan ka pa ng 50 pesos tapos ipagmamayabang ka sa mga kaanak n’yo, haha. I love my grandparents so much 💞”

“i love how genuine he expressed how proud he is.”

“ganyan na ganyan si lolo sakin, bilang lolo’s boy nakaka iyak maka kita ng ganto na akala ko hindi nararanasan ng iba, bilang bata na lumaki sa lolo ginagawa ko lahat best ko lalo sa pag tuturo sakanya magbasa at magsulat kasi yon lang kaya ko sa ngayon, and I’m praying na humaba pa buhay nila para makita nila yung achievements and pagiging successful natin soon🥺”