Hindi na mag-iisa si Ciala Dismaya, ang karakter ni Michael V. sa “Bubble Gang” na hango kay Sarah Discaya, isa sa mga contractor na nasasangkot sa anomalya ng DPWH flood control projects.
Sa darating na Liggo, kasama na sa teaser ang mga karakter na sina “Sen. Espada,” “Sen. Tolpu,” “Sen. Markolekta,” at “Cornee Dismaya,” na inspired din ng mga tunay na senador at kongresista na kasama sa imbestigasyon.
Hindi pa man umeere ang episode ay natatawa na ang mga tao sa hitsura nina Bitoy at kanyang BBLGNG cast.
“Sana may scene din na kumakain at umiinom ng coke si Ciala Dismaya.”
“Kung aabsent ka Ciala, make sure na mag usage kayong mag asawa at baka macontempt yang si cornee”
“Yong nguso talaga ni Ciala Dismaya ang nagdadala sa hearing.”