Isang simpleng mensahe na nakapaskil sa likod ng helmet ng isang female MoveIt driver ang umani ng suporta mula sa mga commuter.
Sa post ng isang pasahero ng MoveIt, kinunan niya ang mensahe sa helmet ni ate rider kung saan humihingi ito ng paumanhin kung hindi siya mabilis magmaneho.
Ayon sa rider, alalay lang siya sa pagtakbo dahil may mga anak siya na naghihintay na makauwi siya ng ligtas matapos ang kada araw ng kanyang pagbibiyahe.
Inakala kasi ng driver na magagalit ang mga pasaherong nagmamadaling makarating sa kanilang paroroonan kaya’t nauna na siyang humingi ng pang-unawa.
Ngunit imbes na kainisan ay umani pa ng suporta ang female rider. Ayon sa marami, mas kampante sila na maingat ang rider dahil nangangahulugan na iniingatan din nito ang kanyang pasahero tulad ng pag-iingat niya sa kanyang sarili.
Masaya rin sila sa mindset ni ate rider dahil iniisip nito ang kanyang pamilya sa bawat byahe nito.