Kakaibang lechon kung saan ito ay humihinga pa ito ang naging tampok sa World Teachers’ Day celebration ng isang classroom kamakailan.
Sa TikTok video na ibinahagi ni @llcdva, makikita ang nakakatawang sorpresa ng mga estudyante para sa kanilang paboritong guro na si Ma’am Riza. Sa unang tingin, parang may inihandang lechon sa mesa, kumpleto pa sa mantika effect. Pero nang buksan na ito, estudyante pala ang nasa loob.
Makikita sa video ang guro na nakangiting lumalapit sa nakabalot na tila bagong lutong lechon. Nang matuklasan niyang estudyante niya pala ang nasa loob, hindi na mapigilan ni Ma’am Liza ang tawa at tuwa.
@llcdva Happy Teachers Day,Ma’am Riza!! #lechon #teachersday ♬ Huwag Kang Matakot – Eraserheads
Laughtrip din ang dala ng eksena sa netizens:
“HUMIHINGA PA HAHAHAHA”
“10/10 may pa mantika effect”
“buti nalang hindi agad kumuha si ma’am ng kutsilyo para i-test kung crispy ba habang naka-balot pa 😆”
“ginawa namin yan malapit ng naging kwento classmate ko😭😭😭”