May mananalo kaya? Ahtisa Manalo lookalike promo ng isang coffeeshop, nagpasaya sa netizens

Ahtisa Manalo lookalike promo ng coffeeshop sa Tuguegarao, nag-viral at nagpasaya sa netizens! May libreng kape ba?

May pa-free coffee ang isang café sa Tuguegarao City para i-celebrate ang pagkapanalo ni Miss Universe 2025 third runner-up Ahtisa Manalo pero tila extra challenge ito dahil ang promo ay para sa mga kalookalike lamang niya.

Sa isang promo post sa Facebook ng The Tavern, inanyayahan ang lahat ng kahawig ng Pinay beauty queen na mag kape ng libre sa kanilang coffee shop.

“Free coffee na yan ha!” anya ng caption ng Facebook post.

Dahil pang goddess level ang requirement ng promo, binaha ng netizens ang comment section ng kanilang mga nakakatawang hirit at jokes:

“Pwede ba yung feeling kamukha lang?”

“Paano po pag kamukha ni fhukerat?”

“Hirap ng requirement. manika siya hahahhaa chaka lang ako!!!”

“ang hirap ng standard 😭 human level ganda lng po meron kamo. Hindi po Goddess level.”

“Ahtisa Manalo dw hindi Jose Manalo! 😂”

“sayang di ako mahilig sa kape HAHAH”

“Baka walang Manalo”