May jowa na kasi! ‘Squid Game’ doll na si Young Hee, retoke queen na sa Season 2?

Aliw ang mga netizens na nakapansin sa glow-up ng “Squid Game” doll na si Young Hee sa pagpasok ng bagong season.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Usap-usapan ng mga netizens ngayon ang pagkakaiba ng itsura ng “Red Light, Green Light” doll na si Young Hee mula sa unang season ng “Squid Game.”

Sa isang ulat ng All Kpop, napansin ng mga fans ng show na mukhang nagpa-filler daw ang higanteng motion-sensored doll dahil mas maumbok na ang kanyang mga pisngi.

Hindi lamang iyon, napansin din nila ang kanyang mas maliwanag na complexion at mas mabilog na mata, na isa sa mga tanyag na beauty standards sa Korea.

Marami ang nag teorya na kaya nagpa-upgrade ng mukha si Young Hee ay dahil ipinakita na sa teaser ang kanyang magiging boyfriend na si Cheol Su.