Kahit na maraming mga negatibong balita na lumabas kamakailan lang tungkol sa pambansang paliparan, hindi naman maipagkakait na mayroon pa ring mga nananatiling tapat sa kanilang tungkulin.
Sa isang post ni DSWD Usec. Edu Punay, nagpasalamat siya sa isang utility crew ng Ninoy Aquino International Airport na humanap sa kanya at nagsauli ng kanyang cellphone na naiwan pala niya sa washroom.
Ayon kay Punay, isinauli ni utility staff Marcelino Ogoc Jr. ang kanyang gamit na hindi niya napansing nawawala pala. Dagdag pa niya nakaka-proud na may ganitong matatapat na manggagawa sa ating paliaparan lalo na at ito ang frontline natin sa mga dayuhang bumibista sa Pilipinas.
“It was really an inspiring experience, knowing that we can trust our people in the airport – just like in most developed countries. Gone are the days when you’d lose hope in recovering belongings you lost in a crowded place such as the airport. Sobra nakaka-proud lang,” aniya.