May art sa basura! Boholano visual artist may kakaibang misyon laban sa basura sa karagatan

Isang Boholano visual artist ang hinahangaan ngayon dahil sa kanyang mga obra gawa mula sa mga basurang nakuha mula sa karatagan.

Hindi man niya tinapos ang kursong civil engineering noon, hinahangaan naman siya ngayon dahil sa kanyang mga sculpture na gawa sa marine debris o basura sa karagatan.

Nais ng 61-anyos na visual artist mula Baclayon, Bohol, na si Pedro Angco Jr. na ipamulat sa publiko ang kahagalahan na dulot ng pag-alaga at pagprotekta sa marine life.

“The garbage in the sea is a sad reality of what human beings have done to the environment. This is a real talk. The waste or garbage we create, they are coming back to haunt us,” babala ni Angco.

Sa kanyang pagpapahalaga sa marine life, naging sentro ito ng kanyang mga obra. Inamin ni Angco sa ulat ng Inquirer.net na naiinis siya tuwing nakakakita ng mga basura na tinatangay sa dalampasigan.

Kung noon ay nagagalit ang kanyang mga magulang kada mag-uuwi siya ng mga basura na nadampot sa dalampasigan para gamitin sa kanyang paintings, naiintindihan na nila ito ngayon.

Sa ngayon, mayroong makeshift house si Angco sa Baclayon na may layong 100-meters mula sa dagat at dito niya dinadala ang 10 hanggang 20 kilos ng mga assorted na garbage gaya ng mga tsenilas, sachet ng shampoo, at iba.

Pangarap ni Angco na magkaroon ng “brainstorming hub” para makapag-educate ng mga kabataan maging ng mga matatanda paano pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng kanyang art na nagpapakita ng kayamanan ng biodiversity sa Bohol.

“At the brainstorming hub, children will learn at a very young age on how to take care the environment. Education and love for the environment can make a difference,” ani Angco.

Marami na ring natanggap na parangal si Angco, gaya ng art competition ng Government Service Insurance System noong 2017 kung saan nakuha niya ang second prize sa sculpture category. Ito ang naging tulay para kunin siyang ambassador ng National Coast Clean up Coalition Philippines noong 2020.

https://www.facebook.com/reel/1815004982305234