Bilib na bilib ang mga netizens sa isang pusang tila nauutusan nang magsampay ng kanyang amo.
Sa isang video na pinost ni Angie Leigh, ipinamalas niya ang talento ng kanyang alagang puspin na dahan dahang inilalapat ang hanger sa sampayan.
Nakakatuwa pa, talagang kinarir ng matalinong pusa ang bilin ng kanyang furmom at ginamit pa nito ang kanyang bibig at kamay sa pagsasampay.
“Good job ming ampunin Muna kita madami kapa isasampay”
“Sana all masipag ang mingming. Ung ming ming dto sa amin. Kala mo amo. Lagi nakahiga sa bed at sofa. Pag nagutom mangangagat pa”
“Nowadays naipapakita na ang katalinuhan ng mga four legged babies. It’s just a matter of proper training, showing love…”
“Galing! Good job , magparami ka meng”