Mahirap magturo ng subject na Math, lalo na sa maraming estudyante, kaya naman para hindi antukin ang mga mag-aaral, isang kakaibang pakulo ang naisipang gawin ng isang propesor sa kanyang klase.
Habang naka-project ang isang lecture, pagkunwa’y nagkamali siyang masulatan ang screen. Ngunit nang subukan niya itong burahin gamit ang whiteboard marker, nagulat ang mga estudyante nang ma-smudge ito at kumalat. Natatarantang naghanap ang propesor ng solusyon ngunit mas lalo pang lumala ang problema nang magbukas siya ng ikalawang tab para humingi ng tulong sa isang tutorial.
Gising na gising naman ang buong klase ng lumitaw ang isa pang bagong tab na may eksena mula sa Star Wars at nang gamitin ni prof na pambura ang isang light saber mula sa pelikula.
Maaaring hanggang ngayon ay misteryo pa rin kung paano nangyari ang lahat pero panigurong isang alamat nang maituturing ang lecture na ito sa mga estudyanteng nakapanuod nito.
“This is so next level!!!,” saad ng isang netizen.
“What a fun teacher!” hirit naman ng isa.
“Wow, brilliant!!!,” sabi ng isa pa bilang pag sang-ayon.