Matchy-matchy! Anak ni Ryza Cenon, super supportive sa kanyang kalbo era

Nagmistulang matchy-matchy ang hairstyle ng mag-inang Ryza Cenon at Night Cruz na ikinatuwa ng bagets.

Matapos ang matapang na desisyon para magpakalbo para sa kanyang bagong pelikulang “Lilim,” proud na ibinida ni Ryza Cenon ang reaksyon ng kanyang anak lalo pa’t matchy-matchy sila ng hairdo.

Sa isang panibangong Instagram post, ibinahagi ni Ryza ang behind the scenes ng kanyang bald photo shoot kung saan isinama niya ang kanyang baby boy na si Night na game ding mag pose ng tulad ng kanyang mommy.

Makikita sa mukha ng bagets na aprub na aprub sa kanya ang new look ng kanyang mommy. Katunayan, tumulong pa ito na ayusan ang kanyang ina para sa kanyang shoot.

Umani naman ng positive comments ang relasyon ng mag-ina mula sa mga fans ng aktres.

“Ka gwapa sa inahan ug ka cute ni Night❤️”

“cuties!”