Matampuhin yarnnn! Pusang bad trip sa amo naka 1 million views na

Matampuhin man sa inyong paningin, cute pa din.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kahit may kasungitan ang puting pusang si Mayo, mukhang patok pa rin naman sa internet ang kanyang pagmamaktol dahil naka isang milyong views na sa TikTok ang video na inupload ng kanyang amo.

Sa nasabing video, makikitang nagtatampo si Mayo sa kanyang bossing at ayaw lumapit dito matapos siyang hindi agad pansinin ng makauwi ito sa bahay.

Matapos alu-aluin ng uploader ay makikitang hindi pa din natutuwa ang matampuhing pusa at lalo pa itong nagsungit. Kalaunan ay kinausap pa ito ng masinsinan ng kanyang bossing dahil hindi maganda ang inaasal nito.

Pinuri naman ng netizens ang haba ng pasensiya ng furmom ni Mayo at nagsabing ang amo ang totoong nakakakilala ng ugali ng kanyang alaga.