Sa kabila ng napaka-successful na karera bilang artista at TV host, pinatunayan ni Jhong Hilario na maaari pa niyang mahigitan ito matapos niyang makagraduate sa kanyang master’s degree in public administration.
Sa Instagram post ng anak niyang si Sarina, makikita si Jhong na nagtapos with highest merits mula sa World Citi Colleges.
Nung isang taon lamang, nakapagtapos ng magna cum laude mula sa Arellano University ng may degree sa political science si Jhong.
Ito ay sa kabila ng kasikatan niyang tinatamasa bilang isa sa regular hosts ng noontime show na, “It’s Showtime.”
Nagdulot naman ng inspirasyon sa mga Pilipino ang determinasyon at pagpupursige ni Jhong, na isa ring konsehal ng Makati City.
“Very inspiring!!! Congrats Kuys @jhongsample.”
“Grabe time management at perseverance ni kuys jhong anlala. Parang kelan lang grumaduate ng magna cum laude then nakapag finish na agad ng master wow. Such an inspiring story po.”
“grabe! gumagawa pa yan sila ng pelikula ha? kung pwedeng pasa hours lang talaga, nag-share na kami. hahaha.”
“Ang bilis ahhh, last year lang ba ung nag graduate sya ng college then ngayon MA nmn.. sene ell.. hahaha”