Kung tutuusin, mas mahal pa ang isang kilong cat food kaysa bigas kaya’t talagang kahanga-hanga ang mga fur parents na inuuna pa ang kapakanan ng kanilang furbabies kaysa pansariling pagkain. Ngunit kung minsan talaga, mas maselan pa ang mga cute at makukulit na pusang ito kaysa sa kanilang mga amo.
Ito na nga ang nangyari sa OP na si Miss F nang i-share niya sa kanyang mga followers ang pagtanggi ng kanyang alaga na kainin ang natira nitong pagkain dahil naluma na ito mula sa nakaraang gabi.
@misseff009 Pusa mong ayaw ng left over 🤣 #cat #catsoftiktok #catlover #funny ♬ original sound – Miss F ✨
Tila nangangatuwiran pa ang makulit na muning sa kanyang fur mom habang kinukumbinsi nitong ubusin na niya ang kanyang natitirang pagkain dahil siya naman ang nag-iwan nito.
Ang ibang supportive fur moms naman ay may mga suggestion kung paano nila kinukumbinsi ang kanilang mga alaga na ubusin ang mga natirang pagkain.
“Pag ganyan binabalik ko kunwari sa lalagyan para akala nya bago lang.. effective naman😂”
“yung kuting namin na siamese namin ayaw na kumain ng dry food, puro wet food, anong gagawin ko 😭😭😭.”
“Nagmamarcha siya ayaw niya talaga😂”
“Ang ginagawa ko pag ayaw nila kainin yung left over, tinatransfer ko sya sa bagong lagayan para kunyare bago ulit yung food nila 😜”
“May pa dabog. x pa Siya HAHAHAH”
“the he foot stomp WAAHHHHH so kyutieeeeee 😭”