Maselan yarnn? Netizen, nasobrahan sa hugas habang nagluluto ng tinola

Marami ang naka-relate sa nakakatawang paraan ng pagluluto ng isang netizen.

Tuwang-tuwa ang netizens sa post sa isang reels kung sana inilalarawan kung paano nahahalata na ang isang tao ay bihirang magluto.

Sa nakakatuwang video, ipinakita ng netizen ang kanyang paraan ng pagluluto kung saan panay ang hugas ng kamay matapos humawak ng bagong gamit o sangkap. Marami din namang sumang-ayon sa ganitong style kahit sa paningin ng iba ay sobrang selan.

“The design is very me”

“Walang Pakielaman Kung Ganun Talaga Miski Ako Ganyan Pag Nag Luluto Ako Bago Mag Luto Hugas Pag Nakapag Hiwa Lahat Ng Karne Hugas Ulit Kamay Tas Hiwa Nman Ng Gulay Tyka Sa Ganyan Pag Huhugas Ng Kamay Pag Nagluluto Dyan Mo Makikita Ang Tao Sa Kaayusan Mag Luto Hindi Bara Bara
Tawag dyan malinis ganyan aq e minsan may kasama pag sabon un kaya mejo malaki bill namin sa tubig”

“That’s how you stop contamination. That’s a good practice.”

(Courtesy: Joshua’sGallery/FB)