Good news para sa A’TIN na mga parehas kaliwa ang paa! Pwede na ring maki-GENTO challenge kahit hindi kayang sundan ang komplikadong choreong pinasikat nina Pablo, Stell, Josh, Justin, at Ken.
Sa mas pinadaling version ng GENTO, ipinakita ng SB19 ang mas madadaling step na mas kayang sundan ng mga A’TIN na gustong sumali rin sa GENTO dance challenge.
Sa remix version ng kanta, hindi na halos gagalaw sa pwesto na paulit-ulit lang ang galaw ng kamay. Konting kembot din lang ang kailangan at mabubuo na ang buong chorus.
Matatandaang naging trending ang GENTO maging sa mga international at Kpop idols dahil sa malupit nitong choreo.
Ayun naman pala!