Mas may pakinabang pa kaysa gobyerno? SEVENTEEN stan, ginamit ang CARATBONG para maglimas ng baha

Napakinabangan ng isang K-pop fan ang lightstick ng SEVENTEEN habang naglilimas sila ng bahang pumasok sa kanilang bahay.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Pinatunayan ng isang CARAT na hindi aksaya ang paggasta para bumili ng mga K-pop merch tulad ng lightstick ng SEVENTEEN.

Ayon sa K-pop stan na si @‌wonurealgf sa kanyang TikTok, malaki ang naging pakinabang ng kanyang CARATBONG, o lightstick nang kasagsagan ng brownout matapos ang malakas na bagyo.

Makikitang ginamit ng kanyang pamilya ang kanyang CARATBONG bilang flashlight habang naglilimas sila ng baha na pumasok sa kanilang tahanan. Aniya, pinasadya ni SCoups, ang lider ng SEVENTEEN, na gawing maliwanag ang lightstick para sa kanilang mga fans na gagabihin sa pag uwi mula sa kanilang mga concerts.

@wonurealgf I SAY CARATBONG V2 SUPREMACY!! salamat seungcheol laking tulong sa pag lilimas ng baha sa dilim ng caratbong 😘😘 #carat #bagyongcarina #fyp ♬ MAESTRO – SEVENTEEN

“Salamat scoups talaga. Minakesure nya na magbibigay liwanag ang caratbong sa madilim na landas”

“mas functional pa caratbong kesa sa gobyerno natin 😔”

“if im not mistaken, may fan na narescue before dahil super liwanag ng caratbong and mas madali syang nakita”

“mas maliwanag pa yung caratbong kaysa sa flashlight namen”