Maruya Curry! Angeline Quinto, alaskado sa makukulit na fans sa kanyang Mariah Carey impersonation

Alaskado ang biriterang si Angeline Quinto sa kanyang mga fans nang magdamit ala Mariah Carey para sa Star Magical Christmas celebration.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ayaw din talaga magpahuli ng singer-actress na si Angeline Quinto sa isang idolong pang Pasko dahil si Angge, nag-dress up bilang Mariah Carey para sa Star Magical Christmas Ball.

Feel na feel nga ng biritera ang kanyang pagka-Mariah complete with Santa outfit at pangmalakasang hairdo na signature ng Christmas diva.

Aliw naman ang mga fans sa mga paandar ni Angge kaya ang comments section, punong-puno ng pang aasar.

“RUFA3 MAe na may pagka mariah😂😂”

“MARIAH QUINTO! 😂❤️”

“Hi Maria Kare Kare 🤗🤗🤗”

“Maruya Curry!”