Dream come true para sa sikat na photographer na si Geloy Maligaya Concepcion ang makita ang larawan ng kanyang mag ina sa billboard sa EDSA Guadalupe.
“Lagi ko iniimagine ano kaya ang itsura ng picture ni Bea at Narra kung nakablow up or naka print/project nang sobrang laki. At ayan na nga! Natupad na! Hehe” ani Concepcion.
Ibinahagi ni Geloy ang pasasalamat kay R&B pop singer Dionela para sa collaboration para sa billboard na nilalaman ang kanyang okshina at marilag na sila Naynay Bea at anak na si Narra.
“Solid na collab kasama si Dionela. Congrats brader! Tuloy tuloy lang sa paglikha,” dagdag pa ni Geloy.
Samantala, marami netizens ang pumuri sa napaka-angas na post ni Geloy.
“Ang sweet naman ni Boss Geloy talaga!”