‘Maria Ozawa at Ibarra?!’ Sagot ni David Licauco sa ‘Family Feud,’ nagdulot ng katatawanan

Laugh trip ang dala ng sagot ng aktor na si David Licauco sa isang tanong sa “Family Feud” na tila bang may bagong ka-tandem na si Ibarra, ang kilalang karakter sa “Noli Me Tangere.”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Aliw na aliw ang mga netizens ngayon sa isang viral clip ng game show na “Family Feud” sa GMA 7 na naging dahilan para mag-trending agad ang pangalan ng sikat na Japanese adult film star na si Maria Ozawa.

Ito ay matapos mapanuod ang aktor sa “Maria Clara at Ibarra” na si David Licauco na magbigay ng di inaasahang sagot sa tanong ng host na si Dingdong Dantes.

“Fill in the blank, Maria _______?” tanong ni Dingdong.

Agad-agad naman sumagot si David ng: “Ozawa!”

Mas lalo pang nagdala ng laughtrip ang naging reaction ni David at ng mga kapwa niya contestants matapos niya matawa sa sarili niyang sagot.

Dagdag pa dito ang reaksyon ng mga kalaban nila sa laro na pinangungunahan ng kanyang kaparehas sa “Maria Clara at Ibarra” na si Barbie Forteza na kapwa nabigla sa sagot ni David.

Sa isa pang hiwalay na video clip, makikita si Barbie na tila pinagpapaliwanag si David sa kanyang naging sagot sa laro.

Barbie: Sino muna si Maria Ozawa?
David: Kasi ano…

Para sa mga hindi nakakaalam, si Maria Ozawa ay isang dating kilalang adult film star mula sa Japan. Nagkaroon din ng maiksing showbiz career si Maria sa Pilipinas ilang taon na ang nakalipas.

Hindi naman pinalampas ng netizens ang nakakatuwang tampok na ito matapos nila tila sumali sa pangaasar kay David.