Mapanlait! Mga netizens, ‘triggered’ sa ‘Antaba’ brand ng sabon

Triggered ang mga netizen sa pangalan ng isang inosenteng brand ng sabon.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Benta sa mga netizens ang pangalan ng isang brand ng sabon na tila hindi kakatuwaan ng mga taong medyo may kabigatan. Ishinare ng isang Pinoy Facebook page ng grocery shelf kung saan nakabalandra ang napakaraming stock ng Antaba soap.

Sa nakakatuwang caption ng post, tila may hugot ang admin sa pagsasabing “alam ko” na tila ba ibig sabihin ay huwag nang ulit-uliting banggitin pa ang pangalan ng brand.

In all fairness naman, mukhang hindi sa Pilipinas matatagpuan ang brand na ito. Pero ang mga Pinoy, game na game sa pagdedepensa sa kanilang mga sarili. Kahit gayun pa man, bakas na bakas ang humor ng mga Pilipino dahil lahat ng 41,000 reacts ay puro laughing face ang pinili.


“Mapanakit na sabon”

“Asan Ang hustisya”

“Nilait ka na may pa Fresh pa”

“My problema ba tau sa mataba?”

“Paulit ulit paulit ulit”

Sa comments section, may naglinaw din na ang original na brand name ng sabon ay Antabax, at mukhang inedit lang ng OP ang kanyang post para sa katatawanan. Ang Antabax ay produkto ng Malaysia.