Mapanakit ka, kuya! Hugot na signage ni Manong driver, iyak-tawa ang mga brokenhearted

Dahil sa hugot na signage ng isang jeepney driver, triggered tuloy ang mga overthinker at brokenhearted.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Imbes na wala nang alalahanin ay mamomroblema pa tuloy ang pasahero ng isang jeepney driver dahil sa hugot line na nasa signage nito.

Kung ang ibang driver at mga rota ng byahe ang nasa sign, si Manong driver ay may patama sa mga brokenhearted na overthinkers.

Nakunan ng isang pasahero ang katagang “What if meron na siyang iba?” sa signage ni manong na basang-basa ng mga nakasakay sa jeep at hindi naman nila mapigilang mag-react sa mapanakit na birada ni manong.

“Yung sumakay ka pero mapanakit si kuya!”

“What if panaginip lng Yun pero Yung totoo walang kayu”

“ang sakitmeron nga tlgang iba may kausap sa pon eh lumalayo s tabi ko”

“Kaya di ako sumasakay ng jeep e HAHAHHAHAHAHAHAHA”