Kung ang ibang pusa ay palaging napagbibintangan na nangungupit ng isda, kakaiba naman ang isang puspin na nagngangalang BINI dahil siya ang naaasahang magbantay ng isang palaisdaan ng kanyang amo.
Napabilib ng pusa ang mga netizen dahil bukod sa pagmamando ng mga ganap sa bangka, mag-isa din itong lumulusong sa tubig upang lumangoy at mag inspeksyon sa palaisdaan para masigurong nasa ayos ang lahat.
Kahit abutin ng gabi ay mapapansin na tuloy-tuloy lang sa pagtatrabaho ang matalinong pusa. At higit sa lahat, malinis din ito sa katawan kaya’t wala din itong reklamo kapag siya’t pinapaliguan na ng kanyang amo. Kaya naman kapag natapos na ang kanyang shift, ang kanyang gantimpala ay isang malaking isda. Deserve naman!
Inulan naman ng papuri ang madiskarteng pusa.
“Galing nman”
“bihira lang sa pusa ang hindi takot sa tubig..”
“Good job”
“Katuwa….”