‘Manny’ cake pala! Manny Pacquiao at Manny Villar, bumulaga sa celebrant na umasa sa pera

Tila na-prank ang isang birthday celebrant dahil imbes na money ang laman ng kanyang cake ay literal na Manny pala.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung wala kang pera para sa money cake, pwede mo namang gayahin ang gimik ng isang celebrant na niregaluhan ng inaakala niyang money cake pero “Manny” cake pala.

Tawang-tawa ang mga netizen ng makita ang isang video kung saan hinuhugot ang plastic mula sa isang cake na tipikal na naglalaman ng pera. Ngunit sa kasamaang-palad ang bungad ay larawan ng mga bilyonaryong si Manny Pacquiao at Manny Villar.

Ani mga netizen, ok na din kasi sounds like naman ng money ang Manny at baka makakuha naman ng inspirasyon ang celebrant sa mga karanasan nina Pacquiao at Villar na bukod sa mayayaman na ay naging mga senador pa.

“Literal na manny”

“hahaha bwisit!!!”

“So many Manny”

“Sana all may manny”