May kasabihan na kung gusto mo mangyari, i-manifest mo. Tila ito ang nangyari sa isang kumakalat na lumang video ng Chery Tiggo player na si Eya Laure kung saan todo asa ang kanyang tingin sa referee bago nito matawag na outside ang tira ng kalaban.
Aliw na aliw ang mga fans ng Chery Tiggo dahil mistulang may halong dasal at pagsusumamo ang tingin ni Eya sa referee at natuwa din ito nang tumawag ito ng call na pabor sa kanilang team. Relate din ang mga volleyball lovers sa level ng intensity ng mga player sa court lalo pag mahigpitan ang labanan.
(Courtesy: Alora Belleann/FB)
“That hand shake after the confirmation”
“Swag pa more”
“Ang cute”
“Eya kulit ng moves”
“Ang tawa ko tlga dito”
“Hahahah ilaung ulit ku pinanood hahaha ang saya”