Mangtataho naispatan sa isang beach sa Dubai, ikinatuwa ng mga OFWs!

Mga Pinoy abroad, napanganga sa tuwa sa namataang mangtataho sa Al Mamzar Beach sa Dubai, UAE.

Isa sa mga paboritong comfort food ng mga Pilipino ang taho dahil tiyak na magpapaalala ito ng kanilang kabataan.

Kaya naman ganun na lang ang pagkagulat at pagkatuwa ng mga Pinoy abroad nang makita sa TikTok post ni netizen @ken.adams1998 na may nagtitinda ng taho sa Al Mamzar Beach sa Dubai, United Arab Emirates.

Sa video, makikitang naglalako ang isang magtataho ng kanyang paninda na nakalagay pa sa signature metal containers na nakasukbit sa kawayan sa gitna ng nasabing beach.

Tuwang-tuwang ipinamalita ni Ken sa kanyang TikTok post na pwede nang i-enjoy ng kanyang mga kababayan ang namimiss nilang classic Pinoy streetfood sa Dubai.

Ayon rin sa TikToker, ang mangtataho ay galing sa isang food bazaar na nag-ooperate tuwing Sabado at Linggo sa Al Mamzar Beach.

@ken.adams1998

taho sa dubai? 😳👌🏼

♬ original sound – Gords

Maraming mga Pinoy sa Dubai ang na-excite, habang meron naming umaasa na umabot ang mangtataho sa iba pang lugar sa Dubai.

“Kuya daan k man dito muraqqabat”

“wow i miss ko yan kuya puntahan kita miss ko taho”

“wow taho favorite ko yan healthy sana meron dito sa Saudi”

“Baka namn meron dn dto s satwa”

“Hala sana dito din sa Qatar..”

“Kuya Amazing ka! nagulat aq meron pla ganyan dto gusto q yan taho since bta aq”