Manaoag, paboritong pasyalan ng mga turista sa Pangasinan ngayong taon

Nanguna ang Shrine ng Our Lady of the Rosary of Manaoag bilang tourist destination sa Pangasinan matapos magtala ng 3.2 million na mga bisita sa unang tatlong quarter ng taon.

Ang Minor Basilica of Our Lady of Rosary of Manaoag ang pinakapaboritong pasyalan ng mga turista sa Pangasinan at nakapagtala ito ng 3.2 million na mga bisita sa unang tatlong quarter ng taon, ayon sa Manaoag Municipal Tourism Office.

Isa sa mga pangunahing piligrimage site sa Pilipinas ang nasabing shrine ng Our Lady of the Rosary of Manaoag, na patron ng mga may sakit, mga nangangailangan, at kilala sa paglalaan ng proteksyon sa mga pananim.

Sa panayam ng Philippine News Agency, sinabi ni Municipal Tourism Operations Officer Brendon Natividad na umaasa sila na mas marami pa ang dadayo sa lugar at malalagpasan ang 5.2 million tourist arrivals noong 2023.

Possible umano ito lalo na sa pagdating ng long weekends, Christmas break, at sa pagdiriwang ng Galicayo Festival sa Disyembre.

“We hope to even reach around six million tourist arrivals this year,” ani Natividad. Dagdag pa niya na prominente ang pananampalataya o pilgrim tourism sa kanilang munisipyo. Isang unique na selebrasyon ng paniniwala, kultura, at sining bilang pagbibigay pugay sa Our Lady of Rosary of Manaoag ang Galicayo Festival.