Manang-mana sa idol! Fan ni JK, pina-billboard ang kanyang makulit na tweet tungkol sa self-love

Wanted kay JK ngayon ang kanyang fan na nakaisip ipa billboard ang kanyang tweet.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung sino ang idol, dun talaga nagmamana ang mga fans. Ito ang nangyari sa “ERE” singer na si JK o Juan Karlos Labajo nang masumpungan niya ang isang tweet niya na nakapaskil sa billboard sa Metro East.

Nagulat ang singer nang tumambad sa kanya ang mismong tweet niya kung saan sinasabi niyang “panahon na para sa self-love, mga bhie.”

Dahil kasing kulit din ng singer ang kanyang mga fans ay may nakaisip na gumastos ng pera para ilagay ito sa aktwal na billboard.

Ngayon, pinapahanap ni JK ang pasimuno ng kalokohan, malamang para bigyan ito ng high five.