Karaniwan nang bahagi ng selebrasyon sa Pilipinas ang pagpapa-tarpaulin ng mga achievements ngunit para sa mga hardcore fans ng “Physical: Asia,” ibang level ng karangalan ang dinala ng Team Philippines sa bansa.
Kaya naman hindi nila pinalagpas ang pagkakataon na magpa-tarp din para sa mga miyembro ng Team Pinas na sina Manny Pacquiao, Justin Coveney, Mark Mugen Striegl, Lara Liwanag, Robyn Brown, at Ray Querubin. Siyempre, kahit late entry ay pasok din si Justin Hernandez sa pa-tarp ng mga kababayan.
Naispatan ng Netflix Philippines ang tarp sa gate ng isang subdivision kaya naman sa kanilang tuwa ay nai-share pa nila ito sa kanilang official page.
Hindi pinalad na mag-advance sa next round ang Pilipinas pero para sa fans ng show, winner nang maituturing ang ating mga mandirigma na humarap sa pang malakasang mga hamon laban sa mga magagaling na atleta sa bansa.