Hindi man pinalad ang boksingerong si Carlo Paalam na masungkit ang kanyang ikalawang Olympic medal, masaya pa rin siyang uuwi sa bansa dahil sa pagbuhos ng suporta sa kanya ng sambayanang Pilipino.
“Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at mga mensahe. Nakakataba po ng puso. Ang inyong tiwala at pagmamahal ang nagbibigay sa akin ng lakas para lumaban sa buhay,” aniya.
Hiniling ni Carlo na patuloy na suportahan ang mga manlalarong Pilipino—manalo man o matalo ang mga ito, para lalong lumakas ang kanilang loob na lumaban para sa karangalan ng bayan.
Nagkamit ng silver medal si Carlo sa Tokyo Olympics ngunit nalaglag siya sa quarterfinals ng kagaganap lamang na laban sa Paris.